Friday, July 22, 2011

I told you so- Chapter 5


Chapter Five

Pagka-alis ni Ann sa condo agad na bumalik si James sa kanyang mini- bar. Hindi lang ang kakaibang nararamdaman nya pagkasa si Devon ang kanyang iniisip sa ngaun..si Ann din. Medjo marami na kasi ang nagsasabi sa kanyang mga kakilala na may ibang lalaki daw ito. Pero ayaw maniwala ni James…

“Ann is just so sweet and cool, kaya siguro iba ang tingin ng mga nakakakita sa kanya pag may kasamang lalaki”. Pilit na kumbinsi ni James sa sarili.

Hindi nya pwedeng agad na paniwalaan ang mga sabi-sabi lang. Matagal na din naman sila ni Ann. Kilala nya ang nobya. Siguro may napapansin syang kakaiba sa ugali nito ngaun magmula nang mawala sa isang aksidente ang mga magulang nito pero pilit itong iniintindi ni James.

“I made my promise to Tito Ramon.. I will take care of her daughter..no matter what”. Napabuntong hininga na lamang si James habang pilit na kinukumbinsi ang sarili.

………………………………………………………………………………………………………………

Kinabukasan..

“Devon!” tawag ni James mula sa gate ng kanilang bahay.

“Oh James! Napadaan ka?” tanong naman ni Devon sabay baba ng binabasang libro mula sa balkonahe. Nag-aaral kasi sya ngaun para sa exam nya mamaya.

“Can I come in? tanong ulit ni James.

“Huh?” medyo alanganin na sagot ni Devon. Nag-iisa lang kasi sya ngaun sa bahay dahil namalengke ang nanay nya kasama ang kanilang kasambahay. Nag-aalala sya nab aka kong ano isipin ng mga kapitbahay.

“Devon! Can I come in?” tanong ulit ni James.

“Ay oo.. pacenxa na. Halika pasok ka.” Natatarantang sabi naman ni Devon. Bigla na naman kasi syang parang kinabahan at kinukuryente sa kilig sa boses palang ni James.

 “Bahala na.” Nasabi na lamang ni Devon sa sarili.

Pagbukas ni Devon ng gate. Agad nyang naamoy na nakainom ang lalaki.
“May problema ba James? Bakit ka naglasing ke aga-aga pa eh?” Nag-aalalang tanong ni Devon pagkaupo nila ni James sa sala.

“Hmmm…? Ako may problema? Wala ah.. and besides..hindi ako lasing..nakainom lang nang kunti.” Namumungay ang matang sabi ni James.

“Hindi daw..tingnan mo nga yang sarili mo. Para kang timang jan eh! Sabay tayo para kumuha ng mainit na kape para mahimasmasan ito…. nang bigla na lamang syang pigilan nito.

“Wait..just stay here with me” pakiusap ni James sa dalaga sabay yakap sa baywang nito.

“Oh Lord! Please help me! Baka hindi ko mapigilan sarili ko. Alam ko lasing sya..kaya dapat good girl ako..huhu Lord please..tulong!. impit na dalangin ni Devon.

Bigla na lamang nyang nararamdaman ang mga kamay ni James na humahagod sa baywang nya..pataas sa likod nya sabay tayo din ni James.

Sinasamyo ni James ang buhok ni Devon. Hindi sya lasing..alam nya yon.. pero mas parang nakalalasing ang mabangong amoy ng dalaga. “Pigilan mo sarili mo James! Mali to!” pagpipigil ni James sa sarili.

Habang si Devon naman ay parang naitulos sa kanyang kinatatayuan. Hindi nya alam ang kanyang gagawin. “ Gosh..! Itutulak ko ba sya?!...pero sayang eh..ang yummy nya! Huhu Lord! Help masyado na akong nagiging green…Oh no! nalilitong isip ni Devon.

Nanatili lang sila sa ganung posisyon…hanggang sa..Hindi na makatiis si Devon.
“James?..pukaw ni Devon sa nakatulog na atang lalaking yumayakap sa kanya.

“Hmmmm?” sagot naman ni James at tumitig sa dalaga. “Shit! Lasing na nga siguro ako! Bahala na!” nasambit ni James at bigla na lamang kinuyumos ng halik si Devon.

Mas lalong nanlamig si Devon. Una parang galit si James na hinahalikan sya..pero bigla itong naging masuyo..napakasuyo na pati ang diwa ni Devon ay hindi na makapag-isip ng tama. Unti-unting natunaw ang panlalamig ni Devon at napalitan ito ng nakakapasong init.

Tinugon nya ang halik ni James at natuwa ng napaungol ito… “Nagustuhan nya ang halik ko!” piping hiyaw sa saya ni Devon. Una nya kasi itong halik at hindi nya akalain na makakatugon sya ng ganito at magugustuhan ito ni James.

Lumalim pa ang halik ng dalawa.. Sobra na silang nadadala sa nakakapasong tagpo sa pagitan nila.
Hindi na namalayan ni Devon na naihiga na sya ni James sa sofa.
Naglalakbay na rin sa iba’t ibang bahagi ng katawan nya ang mga kamay at labi ni James habang unti-unting tinatanggal ang mga saplot nila sa katawan.

Mas lalong naglagablab ang nararamdaman nina Devon at James.

“Devon..I couldn’t control myself anymore.. I want you now so badly! Please say no para makontrol ko sarili ko” nakikiusap na sabi ni James.

“Ayoko James! Gusto ko to. Gusto kong ibigay sarili ko sa iyo ng buong-buo”. Saisip ni Devon.

Sasabihin nya na sanang huwag itong tumigil nang biglang…………….



“Devon! Gising na! Malalate kana!!



2 comments:

  1. hheheh...panaginip lang pala...hala devon di masyadong malaki ang HD mo kay james ha...

    ReplyDelete
  2. naku naman akala q totoo na eh!....lurkey... :))

    ReplyDelete