Thursday, July 21, 2011

I told you so- Chapter 4


Chapter Four

“James wait!” sigaw ni Ann.
“Ano bang nangyayari sa’yo ha? Ang Devon na yon ba? Sinasabi ko na nga bang may ibang balak ang babaeng yun sayo eh! Galit na sambit ni Ann.

“Will you stop it Ann Marie!” inis na inis na wika naman ni James. “Alam mong hindi si Devon ang problema! And will you stop accusing me of anything I didn’t even dare to do!!

Biglang natahimik si Ann. Alam nyang totoong galit ito pag buong pangalan nya na ang binanggit ng lalaki. “Ann umiba ka ng taktika. Hindi pwedeng magalit sa’yo si James.. kelangan mo sya…sa’yo lang sya.” Sabi ni Ann sa sarili.

“hmmm..sorry Hon please..I know hindi mo kayang lukohin ako..please sorry na” sabay pacute sa lalaki na alam na alam nyang bibigay din.

“Ok fine! Just drop that topic about Devon. She’s my friend.” Sabi ni James kay Ann.
“Ok I will Hon…hmmmm..galit kapa? Gusto mo sa condo mu muna tayo? Palalamigin ko ang ulo mo..” paglalambing naman ni Ann.

Hindi na umimik pa si James at dumeretso na lamang sa kanyang kotse. Pagkapasok nila ni Ann. Pinatakbo na agad ni James ang sasakyan papuntang condo nya. “I need to relax. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.” Piping sambit ni James sa sarili.
………………………………………………………………………………………………………………………….

Nakita ni Devon ang papaalis na magkasintahan. Mag-isa na lamang sya ngaun sa ilalim nang puno, umalis na kasi si Sam dahil may praktice pa ito.
“Saan kaya sila pupunta?”
“Ano ba Devon! Stop na ok?” Kastigo ulit ni Devon sa sarili.
“I need to stop this na. Ayaw kong manira ng isang relasyon. Ayokong matulad kay nanay na sa sobrang pagmamahal kay tatay ay pumayag na maging kabit lamang ng nito. Masakit man pero kelangan kong iwasan si James. I need to do this…!” determinadong sabi ni Devon sa sarili.

…………………………………………………………………………………………………………………………

Pagkabukas na pagkabukas ng condo ni James agad syang dumiritso sa sariling  mini bar at nagsalin ng inumin.

Sumunod naman si Ann kay James at hinilot-hilot ito…maya-maya pay ang kaninang mga kamay na humahawak kay James ay pinalitan nya ng kanyang mga labi… Humarap sya dito na ipinulupot ang mga braso sa leeg ni James. Kelangang may mangyari sa kanila ni James ngaun….kelangan!


Dahil lumaki si Ann sa Amerika, liberated na sya pagdating sa mga ganitong bagay. Alam na alam nya kong paano paiinitin ang mga lalaki nya. Hindi si James ang unang lalaki sa buhay nya. Pero si James ang kelangan nya sa buhay nya. Kaya gagawin nya ang lahat huwag lang mawala ito sa kanya..lalo na ngaun na napakalaki ng problema nya.

“Bakit kasi hindi gumamit ng proteksyon ang gagong ‘yon eh!. Ang laki tuloy ng problema ko ngaun!” inis na sambit ni Ann sa sarili habang hinahalik-halikan si James.

“Kelangan nang may mangyari samin ni James ngaun..dahil hindi pwedeng sya ang paakuin ko nitong litseng bata nato sa sinapupunan ko samantalang halos isang taon na kaming hindi nagsisiping”!

Isa to sa labis na ikina-inis ni Ann kay Devon. Napansin nya kasing parang nanlamig sa kanya ang lalaki ng magsimula itong sumama kina Devon.

“Stop this Ann! I’m not in the mood” biglang sabi ni James sabay alis ng mga kamay ni Ann na nakapulupot sa leeg nya. “I think you better go now”.

Nag-aalab sa galit naman ang mga mata ni Ann. “What’s wrong with you James! Inihahain ko na nga ang sarili ko sa’yo. Ayaw mo pa?!

I knew it! That bitch right?! Sya ang dahilan kong bakit ang lamig-lamig mo na sa ‘kin! Simula ng makilala mo ang bruhang yon hindi mo man lang magawang halikan ako ng matagal! Sinasabi ko na nga ba at malandi ang negrang yon!! Pahestiryang sigaw ni Ann.

“Stop it Ann. It’s not Devon or any other woman!! It’s you ok? Ikaw ang problema ko! Kaya please lang umalis ka muna at hayaan mo akong makapag-isip ng mabuti, bago ako makagawa nang desisyon na tiyak kong parehas din nating pagsisisihan sa huli! Sigaw din naman ni James sa babae.

Hindi makapaniwala si Ann sa narinig. Galit na galit syang umalis ng condo ng lalaki.
“Akin ka lang James! Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Akin ka lang!! Humanda sakin ang bruhang Devon na yon! Pangako ni Ann sa sarili.




1 comment: