Chapter Six
“Devon? Gising na! Bilisan mo na at malalate kana!” tawag ng kanyang ina.
Napabalikwas ng bangon si Devon. Grabeh ang pawis nya samantalang napakalamig naman sa kwarto nya dahil sa aircon.
“Sabagay..buti nga pawis lang ito eh at hindi ako na-ihi..Yay! sa sobrang intense nung panaginip ko….buti nalang pinagpawisan lang ako…mas nakakahiya naman kong na-ihi talaga ako noh?” napapailing na sabi na lamang ni Devon sabay isip ulit ng panaginip.
“Ahhh! Ano veh Devon! Tama na! Manyak kana ata eh!” kastigo ulit ni Devon sa sarili.
“Devon! Maligo ka na!” sigaw ulit ng nanay ni Devon.
“Opo..maliligo nap o nay!” sigaw namn ni Devon sa ina.
“Bakit naman kasi ganuon naging panaginip ko eh!” naiinis na natutuwang sabi ni Devon sabay pasok agad sa banyo para maligo.
“Devon!” tawag ulit ng ina makaraan ang ilang minuto.
“Sandali lang po nay..pababa na.” sigaw naman ulit ni Devon mula sa sariling kwarto. Medjo hindi talaga maganda ang gising nya ngaun. Kung bakit namn kasi sa kakaisip nya ng paraan kong panu iiwasan si James ay ito pa ang naging laman ng panaginip nya.
“Adik ka talaga Devon!” kastigo ni Devon sa sarili at tumingala sa langit. “Lord! Adik na ba ako? Nag-iisip ako kagabi kong pano ko kakalimutan ang James na ‘yon..tapos napanaginipan ko naman sya..and infairness..I like my dream Lord ha..Hahaiz Lord.. bakit naman kasi ang intense ng dream ko na yon. Yun tuloy parang ayaw ko na magising at manatili na lamang sa mga bisig nya..Lord I know mali to..please help me forget my feelings for him.” Impit na dalangin ni Devon pero hindi din maiwasang mag-init muli habang pilit na nagsusumiksik sa isip nya ang panaginip.
Kung bakit naman kasi sa panaginip nya ay nagme-make-out sila ni James eh, yon tuloy parang high parin sya ngaun. Naiinis ulit na isip ni Devon.
“Devon! Bilisan mo na. Aalis pa ako. May meeting ako ngaun.!” Tawag ulit ng kanyang ina.
“Opo nay!” Si nanay talaga oo..” naiiling na sabi na lamang ni Devon habang pababa ng hagdan.
“I made some foods here na pwede mong baonin. Doon ka nalng sa school nu kumain ok? Malalate kana eh. Bakit ba naman kasi puro James yang nasa utak mo. Kaya ka parating late eh.” Mahabang turan ng kanyang ina.
“Ma! Hindi kaya sya ang napanaginipan ko!” namumulang kaila ni Devon.
“Hindi? Eh bakit pangalan ni James ang narinig ko na sinasambit mo habang tulog?” natatawang tudyo naman ng ina ni Devon.
“Ofcoarse not! Nanay naman eh!” nahihiyang kaila ni Devon.
“O sya-sya…tama na yang pamumula mo jan. Basta pinaalalahanan na kita ha.” Natatawang turan ng ina ni Devon.
“Opo Nay. Huwag kayong mag-alala nay. Alam ko na anong gagawin ko.” Nasabi na lamang ni Devon.
Hindi lingid sa kanyang ina na may gusto sya kay James. Kaya namn pinayuhan sya nito na umiwas nalang at baka matulad pa ito sa kanya…
Gusto ng ina nya si James nang una palang nya itong makilala.. Subalit nang malaman nito na may nobya na ito ay pinayuhan sya ng ina na rendahan ang kanyang puso at baka mahulog ito kay James.
Sinu ba naman kasi ang hindi ma-iinlove sa lalaki. Bukod sa talaga namng mayaman, mabait at sikat ito.. napaka-sweet at thoughtful pa nito. Madalas tuloy syang mainggit kay Ann. Kung sa kanila nga na kaibigan lang ay ganito ito ka sweet at ka- thoughtful..ano nalng kaya sa sarili nitong nobya.
Minsan nya ng iniwasan si James nang umpisa palang na maramdaman nyang kakaiba na ang turing nya sa lalaki. Subalit hindi din sya tinantanan ng lalaki sa pangungulit nito. At dahil nga sya si Ms. Gaga.. ipinagpatuloy nya parin nya ang pakikipagkaibigan kay James.
“Bahala na isang kaibigan lang ako sa’yo James. Ang importane..alam ko na mahalaga ako sa iyo..kahit bilang isang kaibigan lang. Sana lang mawala na itong nararamdaman ko para sa’yo at pangako James, kahit kaibigan mo lang ako..proprotektahan din kita..gaya ng pagprotekta mo sa amin…sa akin…..
No comments:
Post a Comment