Thursday, July 21, 2011

I told you so- Chapter 3


Chapter Three

Nang makapasok sa sasakyan hindi ulit maiwasan ni Devon ang lumuha..
“Ano ba Devon! Tama na! Ikaw na talaga ang dakilang tanga sa lalaking yun!”kastigo ni Devon sa sarili at binuksan ang radio ng sasakyan…

Habang nasa daan..
Hindi maiwasan ni Devon na maalala ulit ang nangyari sa nakaraan ng marinig ang isang awitin.. ang kantang minsan nyang inalay kay James…

Kasalan ko Ba? By Toni Gonzaga (http://www.youtube.com/watch?v=6NMpIFq9NPQ)
Ibang-iba ang nadarama
Ng puso ko sa iyo
'Di ko na kaya ang
Umiwas pa sa piling mo

Alam ko mayroon ng nagmamahal sa iyo

Bakit ngayon ka pa
Natagpuan sa buhay kong ito

CHORUS:

Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga

Nagtitiis at nangangamba

Sa tuwing kasama mo siya
Hanggang kailan ko ba madadala
Ang pagdaramdam
CHORUS:
Kasalanan ko ba
Kung iniibig kita?
'Di ko naman sinasadya ang mahalin kita (ang mahalin kita)
Kasalanan ko ba kung ang nadarama
Ay pag-ibig na tapat?
Mapipigil ko ba kung mahal kitang talaga


Kumakanta si Devon sa ilalim ng isang puno sa loob ng Gems University…
Sumisikip ang dibdib nya..kasi sobrang nakakarelate sya sa kanta…
“Kasalanan ko ba? Kong iniibig kita James?” wala sa sariling tanong ni Devoni habang nakatitig kay James sa malayo. Kasama nito si Ann at super sweet ang dalawa..kulang nalang itali ang dalawa para hindi na maghiwalay pa.

Tama..minamahal nya ang isang James Reid. Halos isang taon na din na palagi nyang kasama si James at hindi  nya na matandaan kong kelan nagsimula ang kanyang nararamdaman para dito. Siguro dahil sa sobrang naging malapit sila sa isa’t isa simula ng maging magkakilala sila. Dahil pareho nilang Bestfriend ang mgnobyong Bret at Fretzie..pareho din silang naging malapit sa isa’t isa..hanggang sa pati mga problema at sekreto nila sa buhay ay naibabahagi na sa isa’t isa.

“Akala ko noon si Sam ang gusto ko..hindi pala..mas matindi ang nararamdaman ko para sa’yo James…napakatindi na parang hindi na ako makahinga sa pagpipigil sa sarili kong agawin ka sa nobya mo..I love you James..” pabulong sa sabi ni Devon habang nakatitig pa din kina James at Ann.

Nasa malalim na pag-iisip si Devon nang may biglang tumakip sa kanyang mga mata…
“Hulaan mo kong sino ako?” tanong nito kay Devon..
Natawa naman si Devon.. “Ano ba Sam! Alam na alam ko na ikaw yan..kaw lang namn ang may ganang gawin to sakin eh” natatawang sagot ni Devon sa lalaki.

“Ang galing mo talaga..nahulaan mo agad ako..naamoy mo siguro ang mabango kong katawan anu?” tudyo naman ni Sam kay Devon..

“Hah! Ang kapal mo ha..ang baho mo kasi kaya alam ko agad na ikaw!” Sabay tawa ni Devon.
Ano nga palang ginagawa mo dito? Diba may praktice ka?”

“Nakita kasi kita habang papunta ng soccer field..kaya pinuntahan na kita..masyadong malayo ang tingin mo eh..and I think kunti nalang at matutunaw na ang dalawang taong kanina mo pa tinititigan… most especially I guess the guy one.” Pambubuko ni Sam kay Devon.

Natahimik si Devon. Alam ni Sam na may nararamdaman sya para kay James. Minsan kasi ng mag-usap sila ni Sam..nasabi nito na may gusto ito sa kanya..pero hindi nya naman masuklian ang pagtangi nito dahil kay James…Kung nuon siguro nang hindi nya pa nakikilala ang isang James Reid..baka naging sila pa ni Sam..pero hindi eh..ika nga..nahuli si Sam sa pagtatapat. Pero tinanggap namn ito ni Sam at naging mas mabuti pa silang magkaibigan.

“Sam…ang sakit,. Alam ko kasi na hindi sya magiging akin..anong gagawin ko? Pano ko sya kakalimutan?..tanong ni Devon.

“Lilipas din yan Devs..just wait..time will come na makakalimutan mo yang nararamdaman mo.” Sagot ni Sam sabay hawak sa baba ng dalaga pataas para magtama ang kanilang mga mata…


Samantalang mula sa kabilang dako ng field…

Kumunot ang noo ni James ng makita si Sam na papalapit kay Devon. Kanina nya pa napansin ang dalaga, gusto nya sana itong puntahan subalit ayaw bumitaw ni Ann sa kanya at ayaw nyang mag-isip ng hindi maganda ang nobya na laban kay Devon.

Importante ang dalawa para sa kanya..si Ann bilang kasintahan..at si Devon…..si Devon? “Ano nga ba sya sakin?”tanong ni James sa sarili…Biglang nakaramdam ng kakaibang pintig sa puso nya si James at kinabahan..”No, she’s just a sister to me..nothing more…!”pagpapaalala ni James sa sarili sabay yakap kay Ann para mas makasigurado sya. “Si Ann ang mahal nya. Si Ann lang. Nangako syang si Ann lang”.paulit-ulit na kumbinsi ni James sa sarili kahit nararamdaman nyang iba na yata ang pintig ng puso nya.

Naramdaman ni Ann na biglang lumuwang ang pagkakayakap ni James sa kanya kaya tiningnan nya ito…
“James? Anong problema? Sabay tingin sa lugar kung saan nakatitig ang binata na nakakunot-noo.

“Si Devon yun ah! Ang sweet naman nila ni Sam. Bagay sila noh James? Tanong ni Ann habang mataman na tinititigan ang kasintahan.

“YeAH!” pabalang na sagot ni James sabay tayo at lakad palayo sa lugar na ‘yon. Hindi nya maintindihan ang sarili kong bakit inis na inis sya kay Sam lalo na kay Devon.

“Ahhhh! James! What’s happening to you! Dapat siguro iwasan mo muna si Devon”. Galit na sabi ni James sa sarili..




No comments:

Post a Comment