Wednesday, July 20, 2011

I told you so- Chapter 2


Chapter Two

6 years ago…..

“Hi Bun!” sigaw tawag ni Fretzie kay Bret pagkakita ng babae sa nobyo na nakaupo sa may bench ng campus gym kasama and isang lalaki sa tabi nito. Katatapos lang ng mga itong maglaro ng basketball at nagpapahinga na.

“Oh! Hello Bun! Come here! Balik sigaw din namn ni Bret pagkarinig sa nobya..
“Hahaiz…ang ganda talaga ng GF ko noh James? Promise s’ya talaga ang babaeng ihaharap ko sa altar.” Sabay ngiti na parang nanaginip ni Bret kay James…

“Come on man! It’s too early for you to say that! Mag-iisang buwan palang naman kayo ni Fretz dba? Kami nga ni Ann na halos 3 years na eh..wala pa sa isip namin ang mga iyan!”
Naiiling na sambit naman ni James sabay tingin sa kabilang panig nangg gym kong nasaan ang nobyang si Ann na isang sikat na cheerleader sa GIU o Gems International University kung saan sila nakokolehiyo sa cursong engineering.

Parehas sila nina Bret at Ann na graduating na this school year. Kung si Bret gusto nang magpakasal sila naman ni Ann ay wala pang kabalak-balak. Parehas kasi silang busy sa kanya-kanyang career. S’ya busy sa pag-aaral at paghahanda sa nalalapit na pahawak nya sa companya ng kanyang mga magulang. Samantalang si Ann naman ay busy sa pagmomodelo nito. Kaya naiiling nalang sya sa Bestfriend nya na iniisp ng magpakasal sa GF nitong si Fretz. Alam nyang mayaman din pareho sina Bret at Fretzie pero para sa kanya mas mabuting may marating muna ang dalawa bago magdesisyon ng mga ganoon ka seryosong bagay.

“Hoy! Calling James! Errrrth to James Reid!! Tapik ni Bret kay James.
“Matutunaw nyan si Ann eh!” tatawa-tawang sabi ulit ni Bret.

Samantalang humahangos namang tumatakkbo ang isang babae kay Fretz.

“Fretz!grabeh naman bakit mo ako iniwan dun kina Sam? Alam mo namang naalangan pa ako sa kanila!” Ang sama mo talaga Bes!!” Hmmmp! Sabay irap ng dalaga kay Fretz.

“haha!! OA ka bes ha..porke’t nandun si Sam naalangan kana? Kaya nga kita iniwan doon eh para masolo mo sya..haha! and besides..nakita ko po kasi ang Bun ko noh”..sabay turo kina Bret at sa kasama nito. Halika puntahan natin sila! Sabi ni Frets sabay hila sa babaeng kasama..

Nakita naman ni Bret na papalapit na sina Fretz kasama ang isang babae…

“Hi Bun! Na-miss kita agad”.. sabi ni Bret sabay halik sa pingi ng nobya.
“OA bun ha..kanina nga lang tayo nagkasama” sagot namn ni Fretz.
S’ya nga pala meet Devon, sabay hila sa dalaga mula sa kanyang likuran.
S’ya yong bestfriend ko. Remember I kept on telling you about her. Hindi mo lang sya nameet agad kasi pumunta sya ng Cebu. Kahapon lang sya naka-uwi. Mahabang turan ni Frets sa mga kasama.

“Ahh..oo nga pala. Hi Devon! It’s so nice meeting you at last. My Bun here keep on telling me how great you are to her as a friend”. Sabi ni Bret sabay abot ng kamay sa dalaga.

Inabot naman ito ni Devon. “Grabeh Bes bininta mo na pala ako ng wala akong kaalam-alam.ano na namn kaya mga pinagsasabi mo kay Bret.” Tatawa-tawang sambit ni Devon sabay abot sa nakalahad na kamay ni Bret.

“By the way Bun and Devon.. Meet my famous Bestfriend Mr. James Robert Reid”. Sabi ni Bret sabay hila patayo sa nanahimik na si James.

“Hi!” maikling pagbati ni James sabay ngiti sa dalawang dalaga.

“OMG Bun! But hindi mo sinabi sakin na BF mo pala si James. Alam mo namang fan nya ako pagdating sa Basketball eh!..sambit ni Fretz sabay pakikipagkamay kay James.

Habang natatawang kinamot na lamang ni Bret ang ulo..”Baka kasi sa kanya ka magkagusto Bun kaya iniiwas muna kitang ipakilala sa kanya” sabay tawa at akbay ni Bret kay Fretzie.

Ok! Mga bunnies kayo..im still here! Sabi ni devon kina Fretz sabay harap at ngiti kay James.

“I’m Devon Seron. Nice meeting you James!”
Hello devon! Simpleng tugon ni James sa dalaga sabay ngiti.

Biglang kinabahan ni Devon at hinila ang kamay mula sa lalaki. Hindi nya maintindihan kong bakit biglang parang kinilig sya ng mahawakan ang kamay ni James.

Present…

That was the day na una nyang nakilala ang lalaking pinakamamahal..ngunit sya namang magbibigay sa kanya ng labis na hinanakit sa buhay…

“I wanted to forget the day that I’ve meet him..pero bakit lahat na yata ng alaala ko sa kanya ay hindi mawala-wala.” Nanghihinang sabi ni Devon sa sarili sabay parang wala sa sariling umalis ng opisina..

 

1 comment: