Friday, July 22, 2011

I told you so- Chapter 7


Chapter Seven

Papasok na si Devon sa elevator ng GIU mula sa parking lot bitbit ang pabaon ng kanyang ina.

“Hmmm.. Ano nga kaya ang gagawin ko..Hindi pwdeng ganito eh? Wala sa sariling tanong ni Devon habang patuloy na naglalakad papuntang elevator.…

 nang biglang may sumigaw sa likuran nya.

“Hoy! Bruhang negra! Malandi ka! Nilalandi mo si James! Sigaw ni Ann sa nakatalikod na si Devon.

Nagtataka namang humarap si Devon sa pinagmulan ng sigaw. “AHHH! What the hell!” inis na sambit ni Devon ng mapagtanto nyang sa kanya sumisigaw ang babae.

“Anong what the hell what the hell ka jan! Malandi kang negra ka!! Nanlalamig sakin si James dahil sau!”  Sigaw ulit ni Ann.

“Ann?! What’s wrong with you?! Nagtatakang tanong ni Devon. Hindi nya akalaing ang napaka-hinhin at sweet na si Ann Marie Li ay gagawa nang ganuong eksena.

“Ikaw ang problema ko Devon! Ikaw! Sigaw ulit ni Ann.

“Ako?! Anong kasalanan ko sa’yo? Ano bang mga pinag-sasabi mo Ann?! And pwede ba..be decent enough and stop making a scene here! Nakakahiya!” mahinahong sabi ni Devon sa nanggagalaiti na si Ann. Nahihiya nya sya dahil marami nang estudyanteng nakakapansin sa kanila at nakiki-usyoso.

“Huh! Letse Devon!! Huwag na tayong magplastikan dito! I know you liked my James so much.. kaya nilalandi mo sya! Pero alam mo hindi ako magtataka if  ginawa mo talagang landiin si James. Knowing you’re a mistress’ daughter?! Huh! May pinag- manahan ka lang kasi! Patuyang na sambit ni Ann.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Devon. Mahaba ang pasensya nya. Pero pagdating sa usapin tungkol sa pinakamamahal na ina. Nagiging Tigre din sya… walang sino man ang pwedeng manghusga sa nanay nya lalo na ang babaeng ito.

“Don’t you dare involve my mother here sa walang kwenta mong pambibintang Ann” . malamig na turan ni Devon, sabay talikod kay Ann. Kelangan nyang umiwas sa gulo..tiyak na manganganib ang scholarship nya oras na pinatulan nya ang kahibangan ni Ann. Kahit naman kasi may kaya din sya sa buhay,  matalino at scholar din s’ya at gusto nyang pangalagaan ang scholarship na meron sya ngaun.

“Kalma ka lang Devon. Don’t stoop down to her level”. Pagkakalma ni Devon sa sarili sabay talikod sa nanggagalaiti na si Ann.

“Aba’t! You’re such a whore Devon, kagaya ka rin nang maladi mong Ina! Huwag na wag mo akong tatalikuran!” galit ulit na sigaw ni Ann sabay sabunot sa dalaga.

ARAY! Hiyaw ni Devon. Naputol na ang pagtitimpi nya kay Ann at sinabunotan din ang huli.

Nagsasabunutan at nagkakalmutan na ang dalawang dalaga. Dahil may kalakasan si Devon naibalibag nya si Ann at napahiga ang huli sa sahig.

“Walang- hiya ka talaga! Malandi ka gaya ng nanay mo!” hiyaw ulit ni Ann.

“Binalaan na kita Ann! Huwag na huwag mong madamay damay ang nanay ko dito!” humihingal sa galit na sigaw na din ni Devon sabay lapit at sampal ulit kay Ann. At dahil nakaupo parin si Ann sa sahig mabilis nya itong napaimbabawan at sinampal sampal.

Parang gusto nang magdilim ng paningin ni Devon sa pinaghalong galit at inis kay Ann.
Samantalang hindi naman alam ng mga nakapaligid sa kanila kong pano sila aawatin…

Hanggang sa….


2 comments:

  1. away tlga..:) ganda ng story kaya lang bitin ako.. hehehehhe

    wait po ako sa next chap

    ReplyDelete
  2. pagkatapos ng intense dream ni devon...intense action scene naman...grabeee!!!
    baka makunan si ann sa action scene na ito

    ReplyDelete