Chapter Eight
“Stop it!” awat ng lalaki sabay hila pabalya kay Devon.
Nabigla si Devon sa lalaking pabalyang humila sa kanya. Halos masubsob si Devon sa sahig buti na lamang at nasalo sya kaagad ni Sam na kararating lang din sa lugar.
“Devon, are you ok?” nag-aalalang tanong ni Sam kay Devon at inalalayan ang dalaga.
Tumingala si Devon kay Sam. “Salamat Sam!” sabi ni Devon at naiiritang tumingin sa lalaking humila at bumalya sa kanya, ang sakit kasi ng braso nya dahil sa paghila ng lalaki sa kanya mula kay Ann.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Devon. Ramdam na ramdam nya ang sakit ng kanyang braso, subalit ang sakit na ngmumula sa kanyang dibdib ay halos parang pinapatay sya.
“James?!” pabulong sa sambit ni Devon.
“Devon?!” nalilitong tanong ni James.
Hindi makapaniwala si Devon na masasaktan sya ni James ng ganoon ng dahil lang sa pagtatanggol nito kay Ann. Naghihinakit sya ng labis sa kaibigang lihim na minamahal. “Bakit James?!” Naghihinakit na tanong na lamang ni Devon sa sarili.
Samantalang si James ay sobrang nabigla sa nangyari. Hindi nya akalain na ang babaeng hindi sinasadyang nabalya ay si Devon pala. Hindi nya kasi nakita ang mukha ng babaeng kaaway ni Ann. Labis syang nakokonsensya dahil nasaktan nya ang kaibigan.
Nagkatitigan sina Devon at James….
Labis na hinanakit ang mababasa sa mata ni Devon samantalang pagkakonsensya at pagkalito naman ang mababanaag kay James.
Gustong puntahan ni James si Devon. Hindi nya maintindihan ang sarili subalit sobra syang nasasaktan habang nakikita sa mata ni Devon ang hinanakit nito sa kanya. Ngunit, mas lalo pa ata syang nasasaktan dahil si Sam ang umaalalay dito.
Aktong pupuntahan ni James si Devon nang pahisteryang sumigaw si Ann.
“James!..you should hit that woman hard!!” she just attcked me James! She attaked me!!” pahisteryang sigaw ni Ann kay James at yumakap kay James na parang bata.
“Ano bang nangyari dito?” tanong ni James habang nakatingin kay Devon.
Alam ni Devon na sya ang kinakausap ni James. Halo-halong emosyon ang mababanaag nya sa mata ni James. Nabasa nya din sa mata nito ang pag-aalala. Hindi nya nga lang alam kong para sa kanya o para kay Ann ang pag-aalalang iyon.
Nagkatitigan lang sina James at Devon….
“James! I told she just attacked me!” exagerated na hiyaw ulit ni Ann.
“Will you please shut up Ann!!” naiiritang sita naman ni James kay Ann kaya tumahimik ang huli at pabulong-bulong na lamang sa tabi.
“Totoo ba ang sinasabi ni Ann Devon?! Malamig na turan ni James habang nakatingin sa dalaga. Hindi nya pwedeng ipakita kay DEvon na nag-aala sya dito dahil tiyak mas lalong maghihisterya si Ann.
Hindi naman umimik si Devon. Lumaban lang sya ng titigan kay James. Gusto nyang iparating dito ang katotohanan sa pamamagitan ng tunay nyang nararamdaman na siguradong mababanaag sa kanyang mga mata.
“You know Devon James. I think ikaw din mismo ang makakasagot sa tanong mong yan dahil kilala mo silang pareho.” Pagtatanggol ni Sam kay Devon. Alam nyang hindi na magsasalita si Devon. Nararamdaman nya kasi ang panginginig ng dalaga. Hindi nga lang nya mawari kong dahil sa labis na galit o dahil sa labis na hinanakit sa lalaking minamahal nito.
Patuloy parin na nagtitigan sina James at Devon…. Walang sinu man ang gustong bumitiw ng tingin.
“James! Ano ba?!” naiinis na agaw ng atensyon ni Ann kay James. Mas lalo kasi syang naiinis sa nakikita na pagbabago ng expression ni James. Alam nya kasing maaaring madala ni Devon si James at ito ang hinding- hindi nya mapapayagan.
Bumawi ng tingin si James kay Devon at malamig na tiningnan ang nanggagalaiting si Ann.
Bigla ulit tumahimik si Ann. Kakaiba ang tingin ni James at mas mainam para sa kanya ngaun ang tumahimik.
Tiningnan ulit ni James sina Devon subalit nakatalikod na ito habang inaalalayan ni Sam.
“Ahh James! Biglang napasabunot sa ulong sambit ni James. Gusto nyang hilahin si Devon at alalayan ito..pero andun na si Sam, alam nyang hindi na sya kelangan ni Devon dahil meron na itong Sam…hindi nya alam kong ano nga bang relasyon meron ng dalawa. Sa tuwing tinutukso nya kasi si Devon ay ngumingiti o tumatawa lang ito…. at ito ang labis nyang kinaiinis.
Hinila na lamang ni James si Ann patungong kotse nito. “Halika ka na Ann at gagamutin natin yang sugat mo” malamig na turan ni James.
Bago tuluyang tumalikod ay isang nakamamatay na sulyap naman ang binigay ni Ann sa papalayong si Devon.
“Hindi pa tayo tapos Devon. Hindi pa!” makahulugang ngiti ni Ann at nagpahila na kay James.
grabee si anne d2....affected much!
ReplyDeletesana may kasunod na chapter na ito....interesting kasi yung story? paano yung pagbubuntis ni ann sa ibang lalaki? ano pa ang mga binabalak ni ann kay devon? paano naman ipagtanggol ni james si devon kay ann? si sam ano ang kanyang magiging papel sa buhay ni devon? sino sa kanila ni james ang prince charming at ang knight-in-shining armour?
ReplyDeleteupddate kana please!!!!
pacenxa po..busy pa kc sa work..pero don't worry i will update it mamayang gbi..hehe..
ReplyDeletesalamat sa pagsubaybay sa FF ko ;DD
calling #icleofe09...girl..hndi pa ako mkakagawa ngaun ng cont ng FF ko..pacenxa na..busy tlga ksi ako..ill try tlga dis week..
ReplyDelete